Aside ng pagkakaiba sa spelling,
ang Crush at Love ay dalawang magkaibang bagay kahit pa nga ito’y parehong
involve sa aspetong emosyonal.
Walang depinisyon sa diksyunaryo
ang salitang crush pero ito’y
inihahalintulad sa salitang infatuation at attraction. Samantala ang love ay sinasabing isang
masidhing emosyon para sa isang tao na resulta ng pagkakatulad o na buong
relasyon gaya ng pagiging magkaklasi, magkakilala o magkaibigan.
Ang crush na inihahalintulad sa attraction ay sadyang iba sa love na
inihahalintulad naman sa affection. Kahit pa na tingnan mo sa diksyunaryo ang
kahulugan ng dalawa, sinasabi nitong magkaiba sila. Ang attraction kasi ay kadalasang
nararamdaman dahil sa nakikita ng mata (hal. na attract ka sa kanya dahil
magaling sya’ng pomorma, matangos ang kanyang ilong, maganda ang katawan
etc.). Habang ang affection naman ay
diretsong tumatagos sa puso (hal. nagustuhan mo siya dahil naramdaman mong
mahalaga ka sa kanya, pinapahalagahan ka niya, inaalagaan at marami pang iba).
Marami sa atin ang naiikatwa na
magkaiba sila. Kadalasan inaakala natin
na ang ating munting paghanga sa isang tao ay pag-ibig na. Kaya timbangin muna mabuti ang nararamdaman bago
gumawa ng konklusyon. Ika nga nila “take
it slow.” Huwag natin basta-bastang
akalain na mahal natin ang isang tao ng dahil lang napabilis nila ang tibok ng ating
puso. Tandaan mo, kapag nalagay ka sa
alanganin ay bumibilis ang rin ang pintig ng ating mga puso. Hindi naman ibig sabihin n’on ay mahal natin ang
ating napipintong kapahamakan.
Kaya ko sinasabi ang mga mga bagay
na ito sapagkat nakikita ko na marami ang napapahamak sa pagkakamali nilang
ipagkaiba ang love sa simpleng crush.
Marami ang nasasaktan at nakakasakit sa pag-aakala na pareho lang ang crush
sa love ( akala nila na mahal nila ang isang tao samantalang atraksyon lang
pala ang naramdaman nila para dito at
dahil nakatagpo sila ng taong mas kaakit-akit, hayon at iniwan ang unang
nagustuhan o di kaya dahil may nakitang mas kaaya-aya sa mga mata, mas
maganda/pogi, mas matalino o mas mayaman, iniwan ang sinisinta at ipinagpalit
sa bagong kakilala). Kaya para sa akin
talagang dapat isapuso ang quote na ito:
“Never leave someone you love/who loves you for someone you like/who
likes you. Remember, that someone might
leave you for someone they like/they love.”
Para hindi malito patungkol sa
Crush at Love narito ang 10 (sampung) mga bagay na sa tingin ko ay ipinagkaiba
ng dalawa:
1.
Crush mo ang isang tao kung gusto mo siya dahil sa physical na aspeto(mapupungay
na mga mata, matangos na ilong, magandang katawan etc.); Love mo siya kung
hindi mo alam kung ano ang nagustuhan mo sa kanya.
2. Crush mo ang isang tao kung
nadidiscourage ka kung may nakita/natuklasan kang hindi kaaya-aya sa kanya;
Love mo siya kung kahit ano mang kapintasan ang mayroon siya, gusto mo pa rin
siya.
3. Crush mo ang isang tao kung pinipintasan
mo ang taong gusto niya; Love mo siya kung tinatanong mo sa sarili mo kung ano
ang meron sa taong gusto niya na wala
ka, o anong wala ka na meron ito.
4. Crush mo ang isang tao kapag
kinikilig ka kapag nakita mo siya, pinag-usapan niyo siya at naaalala mo
moments niyo together; Love mo siya kung kinikilig ka kahit ‘di mo siya
nakikita, hindi niyo siya pinag-uusapan at naaalala mo siya kahit wala kayong
moments together.
5. Crush mo ang isang tao kung
masaya ka kapag pinansin ka niya; Love
mo siya kung kontento ka nang nakikita siya.
6. Crush mo ang isang tao kung
sinisiraan mo ang girlfriend niya(kung meron man); Love mo siya kung tanggap mo
na may mahal siyang iba at masaya ka para sa kanya kahit nasasaktan ka.
7. Crush mo ang isang tao kung siya
ang iniisip mo sa pagtulog mo; Love mo
siya kung kahit hindi mo siya iniisip ay bigla na lang siyang sumasagi sa ‘yong
isip.
8. Crush mo ang isang tao kung
tinatanong mo ang mga taong kakilala niya tungkol sa kanya; Love mo siya kung naghihintay ka na mabanggit
siya sa mga pag-uusap niyo at pinapakinggan mo maigi ang mga bagay patungkol dito.
9. Crush mo ang isang tao kung masaya
ka kapag kayo’y magkasama, nagseselos at nagagalit ka kung may kasama siyang
iba at gumagawa ka ng paraan para mapansin ka niya/makasama mo siya; Love mo
siya kung kahit hindi mo siya makasama masaya ka pa rin kahit alaala lang niya
ang meron ka, nasasaktan ka kung may kasama siyang iba pero pinapaalala mo sa
sarili mo na wala kang karapatan magalit sa kanya at pinagdarasal mo at
hinihintay ang pagkakataon na makapiling siya.
10. Crush mo ang isang tao kung
pinapabilis niya ang tibok ng iyong puso; Love mo siya kung pinapatigil niya
ang tibok ng puso mo.
Hindi ko sinasabing tama ang lahat
ng pinagsasabi ko, nais ko lang ibahagi ang mga bagay na sa tingin ko ay
nararapat din na malaman niyo.
Kayo na ang bahalang humusga kung
may katuturan ba ang lahat ng nabasa niyo na sinabi ko. Ang sa akin lang naman ay h’wag tayong basta
mabubulag sa ating nararamdaman.
Timbangin natin maigi kung ano ang nasa ating mga puso at huwag magpadalus-dalos
sa ating mga desisyon lalong-lalo na ang mga desisyon sa mga bagay na may
kinalaman sa emosyon.
AN: I believe everybody can make my
heart beat erratically fast, and that there is only one person who could make
it stop without leaving me dying and grasping for air to breathe. That that skip of beating would mean I would
live the rest of my life from that very moment looking forward to skip a
heartbeat everyday just keep that someone in my arms and make him so dear to
me.